Nakipagdayalogo ang Philippine National Police (PNP) sa mga organizer ng Iglesia ni Cristo (INC) rally upang mahikayat ang boluntaryo at maayos na pagtatapos ng aktibidad.
Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Allen Rae Co, ipatutupad ng Pulisya ang mga hakbang sa mapayapang paraan at naaayon sa batas.
Binigyang-diin ni Co na iginagalang ng PNP ang karapatan ng bawat Pilipino sa mapayapang pagtitipon, ngunit may pananagutan din aniya ang Pambansang Pulisya na tiyakin ang kaligtasan ng mga raliyista, mga motorista, at iba pang maaapektuhan ng kilos-protesta.
Tiniyak naman ng PNP na paiiralin nito ang maximum tolerance sa buong operasyon.