Pinagtibay ng Department of National Defense (DND) ang paghahanda para sa ASEAN defense engagements sa 2026.
Kasunod ito nang isinagawang pagpupulong ng Ad Hoc ASEAN Defence Senior Officials’ Meeting (ADSOM) Working Group (WG) sa pamamagitan ng video conference noong June 29.
Pinangunahan ni DND Assistant Secretary for International Affairs Marita Yoro, bilang Chair ng pulong kung saan nirepaso ang mga pangunahing outcome deliverables.
Kabilang ang joint declaration at statement na pagtitibayin sa ika-20 ASEAN Defence Ministers’ Meeting (ADMM) at ika-13 ADMM-Plus na gaganapin ngayong taon.
Tinalakay rin ng ADSOM WG ang mga inisyatiba sa ilalim ng ASEAN Peacekeeping Centers Network (APCN), kasunod ng pagho-host ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ika-10 APCN Meeting noong May 4 hanggang May 8.
Muling pinagtibay ng Ad Hoc ADSOM WG ang pangako ng mga ASEAN Member States na isulong ang regional defense at security initiatives sa pamamagitan ng kooperasyon at dayalogo.
