Nakalinya na ang nasa 200 renewable energy projects upang makatulong sa energy mix at mapalakas ang energy supply ng bansa.
Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, patuloy na nakaalalay ang kanilang kagawaran sa mga nasabing proyekto upang mapabilis ang implementasyon ng mga ito at agad na makapasok sa Philippine energy grid.
Dagdag pa ni Garin, kapag unti-unti nang natapos ang mga nasabing proyekto, tiyak na malaki ang maitutulong ng mga ito sa suplay ng kuryente at magkakaroon ng energy stability ang Pilipinas pagsapit ng 2030.
Aniya, makatutulong din ang mga proyektong ito upang mas mailapit ang suplay ng kuryente mula sa pinakamalalaking sentro hanggang sa pinakamalalayong lugar sa bansa.