NCRPO, tiniyak na walang magiging special treatment sa isasagawang INC rally ngayong araw
Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang magiging special treatment sa isasagawang INC rally ngayong araw.
Ayon kay NCRPO Chief, Police Major General Anthony Aberin, kahit siya ay miyembro ng INC, nais niyang pairalin ang rule of law na laging ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP).
Samantala, hangad naman ni Aberin na wala nang mangyaring anumang insidente ngayong araw. Muli ring siniguro ng NCRPO na paiiralin nila ang maximum tolerance sa buong araw.