Ipinagmalaki ng Makati City na ang mga pangunahing pasilidad ng pamahalaang lungsod ay 100 porsiyento nang gumagamit ng renewable energy.
Ayon sa lokal na pamahalaan ito ay alinsunod sa kasunduan ng LGU sa Department of Energy na gagamit na ng ibang pinagkukunan ng enerhiya ang ibat ibang lungsod sa Metro Manila.
Ang 11 government facilities na ito ay New Makati City Hall, University of Makati, Makati Coliseum, Ospital ng Makati, Makati City Hall Building 2, lumang city hall building, at tatlong public school ang Nesio Yabut Elementary School, Makati High School at Pio del Pilar Elementary School.
Nasa 5.76 megawatts naman ang kinokonsumong kuryente ng mga pasilidad at inaasahang ito ang matitipid dahil sa paggamit ng renewable energy.
Ayon naman kay Makati Mayor Nancy Binay inaasahang bababa ang carbon emissions sa lungsod na parte ng kanilang plano alinsunod sa United Nations Sustainable Development Goals.