Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. ang pagrerekomenda ng Department of Agriculture (DA) ng 60-araw na extension ng ₱50 price cap sa 5% broken imported rice.
Isinumite ng DA ang panukala sa National Price Coordinating Council (NPCC) matapos mapaso noong June 13 ang isang buwang pagpapatupad ng rice price cap sa buong bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangan ang karagdagang dalawang buwan dahil nasa panahon ngayon ng lean months o mababang produksyon ng palay.
Ayon pa sa kalihim, matapos alisin ang price cap, may ilang retailer umano na nagtaas muli ng presyo at sinamantala ang sitwasyon kaya hiniling nila ang agarang pagpapatuloy ng limitasyon sa presyo.
Kapag inaprubahan ng Office of the President, ipatutupad ang price cap sa loob ng dalawang buwan sa mga pamilihan sa buong bansa.