Kapwa walang nakikitang seryosyong banta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kasabay ng nagpapatuloy na aktibidad ng mga kaanib ng Iglesia ni Cristo (INC) na ngayo’y nasa Lungsod na ng Maynila.
Ito’y makaraang ilagay sa pinakamataas ang antas ng alerto sa dalawang law enforcement agencies kaugnay ng aktibidad.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., layon ng pagtataas ng Red Alert sa hanay ng militar ay para sa routine lamang ng mga sundalo at indikasyon ng kanilang patuloy na pakikipag-ugnayan sa PNP.
Sinabi naman ni PNP Acting Spokesperson, PCol. Allen Rae Co na pangkaraniwan lang ang deklarasyon ng Full Alert sa tuwing may malalaking pagtitipon sa bansa.
Magugunitang nagtaas ng alerto ang militar at pulisya matapos ang lightning rally ng INC sa People Power Monument (PPM) noong Martes.