Nakamit ng Pilipinas ang Upper Middle Income Country status (UMIC) mula sa naging assessment ng World Bank, ayon sa nilabas na pahayag ng Department of Economy, Planning, and Development.
Bukod sa panunumbalik ng government spending, fiscal at financial reforms, pag-laban sa korapsyon at lumalaking workforce ng bansa, ang OFW remittances at BPO industry ay nakapag-ambag din ng malaki upang makamit ang UMIC status ng Pilipinas.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni RCBC Chief Economist Michael Ricafort na resilient ang ekonomiya ng bansa dahil sa mga foreign remittances ng mga OFWs na siyang nagbibigay ng tibay sa ekonomiya na siyang pinagbasehan din ng assessment ng World Bank.
Patunay dito ayon kay Ricafort ang ika-apat na ranggo ng Pilipinas pagdating sa global remittance o 40 billion dollars mula sa mga OFWs.