CAMSUR CocoCola healthy cola gawa sa buko, handog ng lalawigan para sa Nutrition Month at kabuhayan ng mga magniniyog
Umuunlad ang Inobasyon ng Bicolano!
Ngayong Nutrition Month, may bago tayong ipagmamalaki! Ang Camarines Sur CocoCola.
Hindi ito ordinaryong cola mga kababayan. Walang Added Sugar. Gawa sa Real Coconut Water o Buko. Isang healthy choice na pasok na pasok sa tema ng Nutrition Month.. Sa wastong nutrisyon, kinabukasan ay masigla.
Pero hindi lang kalusugan ang dala nito… Kabuhayan din ng ating mga magniniyoh! Proudly Made in CamSur ang product na ito. Ibig sabihin, bawat bote na maiinom natin, may tulong na direktang napupunta sa mga coconut farmers ng CamSur at buong Bicol Region.