Nanawagan si Reverend Father Joselito “Bong” Sarabia sa lahat ng panig na igalang at tuparin ang mandato ng proseso na itinakda ng Saligang Batas.
Ito ang inihayag ng pari sa gitna ng isinasagawang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo para kay Senador Rodante Marcoleta na nahaharap sa kasong plunder.
Ang kaso laban kay Marcoleta ay nag-ugat sa sarili nitong pag-amin na tumanggap siya ng ₱75 milyong campaign funds noong nakaraang May 2025 mid-term elections mula sa tatlong kaibigan.
Gayunpaman, nabigo umano si Marcoleta na ideklara ito sa kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Hinimok din ni Fr. Sarabia ang publiko at mga mambabatas na igalang ang ano mang magiging desisyon ng Office of the Ombudsman at hayaang umusad ang legal na proseso.