Balitang kaalaman at agrikultura para sa mga bata ng lungsod ng Naga.
Eto na ang pinakaunang agri-libro para sa mga kabataan na ipupublikar ng lokal na pamahalaan ng ciudad ng Naga. Ito ang unang libro sa bansa na ginawa mismo ng isang LGU para turuan ang mga bata tungkol sa pagkain, pagtatanim, at healthy living.
Simple at makukulay ang mga guhit para maintindihan ng mga bata. Itinuturo kung paano magtanim ng gulay sa bakuran, bakit mahalaga ang pagkain ng masustansya, at paano maging healthy habang bata pa. “Farm to table” ang konsepto – mula sa lupa hanggang sa plato.
Abangan ito sa paabot na Nutrition Month ngayong July. Doon unang ipapakita sa publiko ang libro at ipapamahagi sa mga paaralan at day care centers sa buong Naga City.



Sa mga nasa likod ng proyektong ito! Salamat sa sipag at dedikasyon nina Edlyn Apin, Ray Ubaldo, at Chesko Lucas na naghirap para maisakatuparan ang agri-libro para sa mga bata. Eto rin ay daan sa mas maliwanag na kinabukasan.