Photo courtesy of Department of Finance
Welcome kay Finance Secretary Frederick Go ang opisyal na pagpasok ng Pilipinas sa kategoryang upper middle-income economy. Ito aniya ay bunga ng reporma na isinusulong ng Administrasyong Marcos Jr.
Base sa World bank report, pormal nang itinaas ang estado ng Pilipinas matapos mahigitan ng bansa ang itinakdang antas ng Gross National Income (GNI) per capita.
Dahil dito, sumama na ang Pilipinas sa hanay ng mga karatig-bansa tulad ng Malaysia, Thailand, at Indonesia.
Ayon kay Go, mahalagang milestone ito sa ekonomiya ng bansa.
Aniya, pinapamalas ito ng tuloy-tuloy na mga reporma at matatag na pundasyon ng ekonomiya ng bansa.
Dagdag pa ng Finance chief, ang transition sa upper middle-income country ay magbubukas ng oportunidad sa mga Pilipino.
Tiniyak ni Go, na ipagpapatuloy nila ang pagsisikap upang maramdaman ng ordinaryong mamamayan ang magandang balita na ito mula sa World bank.