Sisimulan na sa Sabado, July 4 ang “lie in state” o burol ng napaslang na supreme leader ng Iran na si Ayatollah Ali Khamenei sa Grand Mosalla mosque sa Tehran, Iran.
Dadalhin ang labi ng Supreme leader ng Iran na nakalagay sa isang kabaong, upang bigyan ng pagkakataon ang publiko at mga lider mula sa iba’t-ibang bansa na magbigay ng kanilang huling pagpupugay.
Matatandaang napatay si Khamenei noong February 28, 2026, sa isang airstrike ng U.S. at Israel. Naantala ng apat na buwan ang kaniyang libing dahil sa digmaan at seguridad, ngunit ngayong may umiiral na ceasefire, inilatag na ang 7-araw na prosesyon.
Ngayong araw, July 3 (Biyernes), dumating ang kaniyang kabaong sa Tehran para sa isang pribadong seremonya kasama ang mga dayuhang delegasyon at mga opisyal.
Sa July 6 (Lunes), isasagawa ang funeral procession sa mga lansangan ng Tehran.
Sa July 7 (Martes), dadalhin ang kabaong sa banal na lungsod ng Qom para sa panalangin ng mga iskolar ng Islam.
Sa July 8 (Miyerkules), ililipad ang kaniyang labi patungo sa Iraq para sa prosesyon sa mga sagradong lungsod ng Shia na Najaf at Karbala.
Sa July 9 (Huwebes) naman ibibyahe pabalik ng Iran ang kaniyang labi upang tuluyang ilibing sa Imam Reza Shrine sa kaniyang tinubuang lungsod sa Mashhad.
Tinatayang aabot sa 15 hanggang 20 milyong tao ang makikibahagi sa buong linggong aktibidad.