Inalis sa puwesto ang pulis na sangkot sa viral video sa rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa EDSA People Power Monument noong June 30.
Makikita sa video ang komprontasyon ng isang motorcycle rider, mga miyembro INC, at ang pulis na rumesponde sa insidente.
Kaugnay nito ay ipinag-utos ni QCPD Dir. PBGEN Randy Silvio ang pagsasagawa ng Pre-Charge Investigation habang inilipat sa District Personnel Holding and Accounting Section simula Juy 2, 2026 ang naturang pulis.
Alinsunod sa umiiral na administrative procedures, isinuko rin ng pulis ang kanyang service firearms at iba pang accountable properties.
Tiniyak naman ng QCPD ang patas na imbestigasyon alinsunod sa mga umiiral na legal at administrative na proseso. | ulat ni Diane Lear