Tiniyak ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na ipatutupad nito ang pag-aresto sa lahat ng warrant of arrest na ilalabas ng korte.
Ito ang inihayag ni CIDG Spokesperson Police Major Helen Dela Cruz sa pulong balitaan sa Camp Crame.
Ayon kay Dela Cruz, mandato ng CIDG na arestuhin ang mga wanted persons at mga pugante sa buong bansa.
Matatandaang sinampahan na ng kasong plunder ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan sina Senator Rodante Marcoleta, dating Cong. Mike Defensor, at dalawang iba pa.
Ito ay kaugnay ng pagtanggap ng senador ng P75 milyon na campaign donation.