Mahigpit na ang pakikipag-ugnayan ng Department of Education (DepEd) sa Philippine National Police (PNP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) upang protektahan ang mga mag-aaral sa impluwensiya ng mga online terrorist groomer.
Ito ang naging pahayag ni Education Secretary Sonny Angara kasunod ng paglutang ng online extremist group na 764 sa pagdinig ng Senado na posibleng may koneksiyon sa marahas na pamamaril sa isang paaralan sa Tacloban City.
Panawagan pa ni Angara sa magulang ng mga mag-aaral na bantayang mabuti ang online activities ng kanilang mga anak lalo’t hindi naman 24 oras nakikita ng mga guro at school staff ang online activities at engagements ng mga kabataan.