Screengrab from OADR
Naniniwala si DOJ Usec. Nicholas Felix Ty na dapat bantayan ang mga insidente ng pagpapakalat ng fake news para makansela ang klase.
Aniya, aware ang mga bata sa nangyaring karahasan sa paaralan nitong mga nakaraan, dahilan para ito ay posibleng samantalahin at dahil aware din ang mga magulang ay mas natatakot sila.
Matatandaang napasugod kahapon, July 2, sa Bagong Silangan National High School ang mga magulang para sunduin ang kanilang mga anak matapos kumalat ang impormasyon na may karahasang nangyayari sa paaralan at kalaunan ay lumabas na fake news pala ito.
Sinabi ni Usec. Ty na ito ay epekto ng nangyaring karahasan sa paaralan na dapat mabantayan, mapag-aralan upang makapaglatag ng mga solusyon.