Gagamit ang Department of Health (DOH) ng mga makabagong transport carrier para sa mas ligtas at mabilis na paghahatid ng mga bakuna sa mga malalayong lugar sa bansa.
Ito ay matapos pirmahan ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa ang isang Memorandum of Agreement kasama ang Philippine Transmarine Carriers (PTC) at University Research Co. (URC).
Ayon kay Sec. Herbosa, gagamitin ang mga portable chest na may cold chain technology sa isasagawang Measles-Rubella campaign ng ahensya.
Pangunahing ihahatid ang mga bakuna sa mga bulubundukin at geographically isolated and disadvantaged areas kabilang na ang rehiyon ng MIMAROPA upang matiyak na mababakunahan ang mga bata sa mga pinakamalalayong komunidad.