Ipinagkaloob nina Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso at Manila Vice Mayor Chi Atienza sa 65 benepisyaryong pamilya ang sertipiko ng kanilang bagong tahanan sa ilalim ng In-City Vertical Housing Program.
Ginawa ang pamamahagi nitong Miyerkules sa Bulwagang Villegas sa Manila City Hall.
Sa kabuoang benepisyaryo, 40 ang kawani ng Manila Health Department at mga pampublikong ospital, habang 25 naman ang walk-in awardees.
Inaasahang lilipat na sa kani-kanilang unit ang mga benepisyaryo sa San Lazaro Residences, Pedro Gil Residences, at San Sebastian Residence sa mga susunod na araw.
Ayon kay Domagoso, patuloy na dadagdagan ng lungsod ang vertical in-city housing projects upang mabigyan ng maayos na tirahan ang mga Manileño at mapataas ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
📸 Manila LGU
