Nagtungo ngayong umaga sa Quezon City Prosecutor’s Office sina Akbayan Party-list Rep. Percival Cendaña, Rep. Chel Diokno, at ML Party-list Rep. Leila de Lima para magsumite ng kanilang counter-affidavit kaugnay ng reklamong isinampa laban sa kanila ni Atty. Mans Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte.
Ang reklamo ay may kaugnayan sa umano’y paglabag sa Anti-Money Laundering Act, Bank Secrecy Law, at Data Privacy Act matapos umanong maisapubliko ang financial records ni Carpio sa pagdinig ng House Committee kaugnay ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente noong April 22.
Sa kasalukuyan, nasa yugto pa lamang ng preliminary investigation ang kaso.
Samantala, muling iginiit ni Rep. Diokno na walang basehan ang reklamong isinampa laban sa kanila dahil wala umano silang nilabag na batas sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga miyembro ng Kamara.
Ayon din kay Rep. Percival Cendaña, ang kanilang pagharap sa korte ay patunay na kapag may kaso ay dapat hinaharap at hindi inaabala ang publiko.