Isa sa mga highlight ng ikalawang araw ng official visit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Canada ang pagbisita nito sa isang franchise ng Jollibee sa Vancouver.
Isang paraan ito ng Pangulo upang magpakita ng suporta sa local brands ng Pilipinas, na nakikipagsabayan sa merkado ng ibang bansa.
Kasama ng Pangulo sa misyong i-promote ang mga negosyo mula sa Pilipinas, ay walang iba kundi si Canadian Prime Minister Mark Carney.
Ngayong araw, July 3, Philippine time, partikular na pinaglaanan ng panahon ng Pangulo ang pagtungo sa kauna-unahang franchise ng Jollibee sa Vancouver.
Ang branch na ito ay pagmamay-ari ng isang Filipino-Canadian, na sumasalamin sa lumalagong negosyo sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
Plano pa ng korporasyon na ibaba sa 85 iba’t ibang lokasyon sa Canada ang kanilang franchise, na nangangahulugan naman ng mas maraming trabaho para sa kapwa Canadian at mga Pilipino.

Ibig sabihin din nito ay mas maraming export para sa Philippine-made products, at magpapalakas pa sa export services ng Pilipinas.
Sa pagbisita ng Pangulo, katabi nito si Jollibee, habang umo-order, bagay na kinaaliwan ng mga customer.
Ipinakilala rin sa dalawang lider ang menu ng Jollibee, na ang ibang pagkain, wala sa Pilipinas.
Game na game ring nakipag-kamustahan at nakipag-selfie ang Pangulo sa mga Pilipinong crew ng fastfood chain.
Kahit umuulan, ang ilang mga Pilipino sa Vancouver, matiyagang naghintay sa labas ng Jollibee, upang personal na masulyapan at makamayan si Pangulong Marcos.
