Iginiit ng Malacañang na dapat ramdam ng pamilyang Pilipino ang epekto ng nakuhang estado ng Pilipinas bilang Upper Middle-Income Country.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, ito ang tunay na sukatan ng tagumpay sa gitna ng nakuhang magandang economic classification ng bansa.
Kaya sinabi ni Recto, hindi titigil ang pamahalaan hangga’t mas maraming Pilipino ang nakakaahon sa kahirapan at mas gumaang ang kanilang pamumuhay.
Kaugnay nito, sinabi ni Recto na para mapanatili ang growth momentum ay patuloy na ikakasa ng gobyerno ang mga prayoridad nito na may kinalaman sa pagpapalakas sa ekonomiya.
Ito ay pababain ang inflation, panatilihin ang trabaho para sa mga Pilipino, palakasin ang purchasing power at business confidence, at humikayat ng mas maraming mamumuhunan.