Hiniling ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang pagpapalawig sa serbisyo ni PBGen. Hansel Marantan ng isang taon.
Ito ang kinumpirma ni Remulla sa PNP Press Corps kung saan, kaniyang sinabi na kailangan pa ang specialized skill ni Marantan sa mga “critical” at “high impact operations” na ginagampanan nito.
Nakatakdang magretiro si Marantan ngayong buwan, pagsapit ng mandatory retirement age na 56 para sa mga nasa unipormadong hanay.
Si Marantan ay isang Senior Officer ng PNP at kasalukuyang Hepe ng Police Regional Office 4A (CALABARZON).
Siya rin ang nanguna sa mga mahahalagang operasyon gaya ng pag-aresto kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy noong siya pa ang Hepe ng Davao City Police Office.