Sa ika-pitong sunod na taon, muling nakakuha ng ‘unmodified opinion’ ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa Commission on Audit (COA) para sa fiscal year 2025.
Ayon kay MMDA Chairperson, Atty. Don Artes, makasaysayan ito para sa kanila dahil ipinapakita nito ang pagiging transparent ng ahensya sa aspeto ng pananalapi.
Nangangahulugan aniya ito ng pagkilala sa kanilang dedikasyon sa paglilingkod bayan at responsableng paggamit sa pondo ng bayan.
Patuloy aniya ang committment ng ahensya para sa pinakamataas na pamantayan ng pamamahala sa pamahalaan at tiniyak na bawat piso na ipinagkatiwala sa kanila ay pangangasiwaan ng may integridad.