Pinangunahan ng Joint Task Force Agila ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtatayo ng pansamantalang tahanan ng mga nakaligtas sa malakas na lindol sa Sarangani noong isang buwan.
Bahagi ito ng pagbibigay ng humanitarian assistance at disaster response ng AFP sa naturang lalawigan.
Aabot sa 11 mga temporary shelter ang itinatayo ng mga tauhan ng 515th Engineer Construction Battalion, 504th Combat Engineer Battalion, at Citizen Armed Force Geographical Unit Active Auxiliaries (CAAs) sa ilalim ng 73rd Infantry Battalion.
Target nilang makapagtayo ng 73 one-storey na mga bahay para sa pamilya ng mga nasiraan ng bahay na may kabuang floor area na 23.4 metro kwadrado.
Inaasahang matatapos ang lahat ng mga naturang temporary shelter sa loob ng 53 working days o humigit kumulang 2 buwan.
Binigyang diin naman ni 10th Infantry Division at Joint Task Force Agila Commader, MGen. Alvin Luzon ang kahalagahan ng suporta ng militar sa pagpapabilis ng rehabilitasyon sa mga apektado ng kalamidad.

