Welcome kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Eli Romolona Jr. ang pagpasok ng Pilipinas bilang ‘upper middle-income’ country. Tiniyak ng BSP na patuloy ang kanilang pagsisikap na masustine at mapatatag pa ang macroeconomics stability ng bansa
Ginawa ni Remolona ang pahayag kasunod ng pag-anunsiyo ng World Bank na itinataas ang klasipikasyon ng bansa matapos matamo ang Gross National Income (GNI) per capita.
Ayon kay Remolona, ang hakbang na ito ay isang mahalagang milestone o kasaysayan na nagpapakita ng katatagan ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ngayong tumaas na ang antas ng Pilipinas, magdadala ito ng tiwala ng foreign investors sa bansa, oportunidad na trabaho, at mas mababang interes sa pag-utang dahil tataas ang credit rating ng bansa.
Binigyang diin ng BSP, na susi ang repormang ipinatupad ng pamahalaan at central bank upang mapanatili ang katatagan ng macro-economic stability.
Tiniyak ni Remolona na mas paiigtingin ng Bangko Sentral ang pangangalaga sa bagong estado ng ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagpapababa ng inflation, sapat na international reserves, matatag na banking industry, at pagsusulong ng digitalization and electronic payment.