Pinasinayaan na ang model unit ng UP Southern Diliman Gardens Rental Housing Project sa University of the Philippines-Diliman bilang bahagi ng pinalawak na Pambansang Pabahay para sa Pilipino o Expanded 4PH Program ng administrasyong Marcos.
Pinangunahan nina DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling at UP-Diliman Chancellor Edgardo Carlo Vistan II ang ribbon-cutting at unveiling ceremony ng proyekto.
Ayon sa pamunuan ng UP-Diliman, mahalagang proyekto ito para sa komunidad ng unibersidad dahil magbibigay ito ng mas abot-kayang pabahay para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Ang Southern Diliman Gardens ay kabilang sa mga pilot rental housing projects sa ilalim ng flagship Expanded 4PH Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Target na matapos ang konstruksyon ng proyekto sa limang gusali pagsapit ng Hunyo 2027.
📸 DHSUD

