Photo courtesy of Presidential Communications Office
Ini-akyat na ng Pilipinas at Canada sa isang Strategic Partnerhip ang balikatan ng dalawang bansa mula sa kasalukuyang bilateral relation.
“We recognize that robust defense and security cooperation underpins the strong momentum of our relations. Recent milestones in this pillar underscore the shared commitment of our countries in ensuring that our peoples continue to live in a peaceful and secure region.” -Pangulong Marcos Jr..
Ibig sabihin, ang relasyon ng Maynila at Vancouver, ginawang pang-matagalan upang makapag bukas ng mas maraming merkado, at makapagtakda ng mga bago at mas mataas na layunin, na mahirap para sa isang bansa na makamit nang nag-iisa.
Sa pamamagitan rin ng pinaigting na kooperasyong ito magtutulungan ang dalawang bansa sa pagpapalakas ng kanilang kapabilidad, magbabahagian ng impormasyon, sabay na aaralin ang mga inobasyong maaari pang pasukin, na tunay na pakikinabangan ng mga mamamayan nito.
Ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., inatasan na nila ni Prime Minister Mark Carney ang kanilang mga kalihim, upang i-draft o isapinal itong Strategic Cooperation sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
Maging ang pagguhit sa direksyong tatahakin ng dalawang bansa, upang masiguro na makasasabay ang kooperasyong ito sa mga pagbabago sa mundo at sa hinaharap.
“We have tasked our Foreign Ministers to draw up a Plan of Action to pursue our shared commitment to work together in adapting to shifting global realities, addressing shared challenges, and building capacities for a future-ready partnership.” -Pangulong Marcos
Nangangahulugan lamang ito ng mas pinaigting at mas pang-matagalang kolaborasyon sa pagitan ng Vancouver at Maynila na nakatutok sa geopolitics, ekonomiya, at seguridad.
“We translate these aspirations into tangible and operational commitments. We welcome the signing of the Status of Visiting Forces Agreement in November 2025 in Manila, and the signing of the Mutual Logistics Support Arrangement and the Statement of Intent on Strengthening Defense Cooperation between the Philippines and Canada just two weeks ago in Ottawa.” -Pangulong Marcos
Sabi ng Pangulo, ang strategic partnership, hindi lamang nangangahulugan ng lalim ng samahan ng dalawang bansa, bagkus, nangangahulugan ito ng isang maaasahang balikatan sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
“A Strategic Partnership is defined not just by deep and close relations, but also by the reliability of the partnership.” -Pangulong Marcos