Inalis sa official records ng Senate Impeachment Court ang pahayag ni private prosecutor Atty. Benjamin Tolosa Jr. na “abogadong walang alam” bilang pagpapatungkol kay Atty. Michael Poa, abogado ni Vice President Sara Duterte at testigo sa ika-21 day ng Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Nangyari ito matapos kuwestiyunin ni Tolosa si Poa tungkol sa kaalaman nito sa paggamit ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) noong kalihim pa nito si VP sara.
Ayon kay Presiding Officer Chiz Escudero, hindi angkop at hindi magalang ang ganitong paglalarawan sa kapwa abogado kaya iniutos niyang alisin ito sa records.
Ipinaliwanag naman ni Tolosa na hindi niya layuning insultuhin si Poa at nakabatay ang kanyang pahayag sa nauna nitong testimonya sa House inquiry na wala umano itong alam sa disbursement ng confidential funds ng DepEd.
Humingi rin ng paumanhin si Tolosa kay Poa. Pinaalalahanan din ni Escudero ang mga abugado ng magkabilang panig na huwag gumamit ng mga ganitong salita sa mga kapwa nila abogado.