Philippine Embassy in Spain
Ipinagdiwang sa Madrid, Spain ang matagal na pagkakaibigan ng Pilipinas at Espanya noong June 30, 2026.
Ayon sa Department of Foreign Affairs nagkaroon ng selebrasyon para Philippine-Spanish Friendship Day sa Madrid sa pangunguna ng Embahada ng Pilipinas sa Espanya na dinaluhan ng ibat-ibang displomats, government officials, academics, historian, cultural leaders at mga pinoy sa Spain.
Sa pahayag naman ni Ambassador Philippie J. Lhuillier iginiit nya na ang Philippine-Spanish Friendship Day ay hindi lang basta pag-alala sa kasaysayan kundi selebrasyon para sa ilang taong kooperasyon ng dalawang bansa.
Giit pa nito, lalong lumalalim ang pagkakaibigan ng Pilipinas at Spain dahil sa mga dayalogo, cultural exchange at scholarship na pinagtutulungang palaguin ng dalawang bansa.
Ipinresenta naman sa programa ang isang libro ng historian na si Carlos Madrid Álvarez-Piñer kung saan inalala ang Siege of Baler na naging ugat ng pagkakaibigan ng dalawang bansa matapos ang ilang taong kolonyalismo ng Spain sa Pilipinas.
Ang Philippine-Spanish Friendship Day ay ginugunita taun-taon alinsunod sa Republic Act Number 9187, base ito sa Siege of Baler na nangyari noong 1899. | ulat ni Louisa Erispe