TESDA
Mas lalawak pa ang oportunidad sa trabaho at negosyo ng mga graduates ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA.
Ito ay dahil pumirma ng kasunduan and TESDA sa LANDBANK of the Philippines para sa TESDA-LANDBANK Skills Training and Credit Access Partnership Program na magbibigay sa qualified graduate na magkaroon ng sustainable livelihood o negosyo mula sa mga natutunan nilang kasanayan o skills.
Sa ilalim ng Memorandum of Agreement, ang mga graduates maaaring makapag-avail ng financial education at financing programs sa LANDBANK. Ilan naman sa mga programang pasok dito ay ang Agrisenso Plus at LIFTING MSMEs Lending Program.
May kasama pang capacity-building support upang matiyak na mapapalago ng graduates ang kanilang negosyo at malaki ang magiging ambag nito sa ekonomiya sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Ang pumirma naman ng kasunduan ay sina TESDA Secretary Kiko Benites at Landbank President at CEO Lynette Ortiz. | ulat ni Louisa Erispe