Photo courtesy of Muntinlupa LGU
Dumaan sa Disaster Risk Reduction Training 2026 ang elementary students mula sa iba’t ibang eskwelahan sa Muntinlupa City.
Katuwang ang DepEd Muntinlupa Schools Division, naturuan ang mga bata kung paano dapat maghanda sa mga panahon ng sakuna at kung papaano tutugon sa panahon na may nangangailangan.
Ilan sa mga itinuro ay ang Basic Life Support at First Aid Training na magagamit kapag may emergency at kailangan magbigay ng paunang lunas habang naghihintay ng propesyonal na tulong.
Layon naman ng programa na mahubog ang mga kabataan na maging responsable, at may sapat na kaalaman upang mapanatili ang kanilang kaligtasan at ng kanilang komunidad.
Nakatanggap naman ang lahat ng batang kalahok ng first aid kit na maaari nilang magamit sa oras ng pangangailangan.