Walang ano mang epekto sa nagpapatuloy na impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte ang ‘unmodified opinion’ na ibinigay ng Commission on Audit (COA) sa Office of the Vice President (OVP) para sa taong 2025.
Ito ang paglilinaw ni House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon matapos ilabas ang ‘unmodified opinion’ ng COA sa OVP.
Paliwanag ng mambabatas, magkaiba ang kahulugan ng naturang audit rating dahil maaaring sabay na umiiral ang isang unmodified opinion at ang mga notice of disallowance na inilabas ng COA.
Iginiit pa niya, na nananatiling may bisa ang utos ng COA na ipasauli ang bahagi ng kontrobersiyal na confidential funds
Ayon kay Ridon, magkaibang usapin ito dahil tuloy pa rin ang utos ng COA na ipasauli ang kabuuang ₱448 milyong confidential funds ng OVP kabilang ang ₱73 milyong disallowance.
Tiniyak ng mambabatas na tuloy na tuloy ang impeachment trial at ang paggamit ng COA findings bilang ebidensya sa misuse of confidential funds.