Umabot na sa 48 miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) ang boluntaryong sumuko sa MIMAROPA mula Enero 1 hanggang Hulyo 2, 2026.
Pinakahuling sumuko noong Hulyo 2 ang isang miyembro ng CTG sa Oriental Mindoro, na nag-turn over din ng kaniyang baril.
Pinagkalooban din siya ng pinansyal na tulong at grocery assistance.
Noong Hunyo 29, dalawa pang miyembro ng CTG ang sumuko sa Oriental at Occidental Mindoro.
Ayon kay PNP Chief PGen Jose Melencio Nartatez Jr., patunay ito na dumarami ang mga nagbabalik-loob dahil sa mga programa ng pamahalaan para sa mapayapang reintegrasyon.
Dagdag pa ni Nartatez, bawat indibidwal na pumipili ng kapayapaan ay nakatutulong sa pagpapalakas ng seguridad ng mga komunidad.
Aniya, mananatili silang nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya at mga lokal na pamahalaan upang mahikayat ang mas marami pang miyembro ng CTG na magbalik-loob at mamuhay nang mapayapa.