Wala pang naitalang mga crime-related incident sa loob at labas ng mga sementeryo dito sa lungsod ng Cebu, as of 2:00 ngayong hapon, November 1, 2026.
Ayon kay Police Lt. Col. Jerard Ace Pelare, Deputy City Director for Operations ng Cebu City Police Office, nasa 14,000 na indibidwal ang naitalang bumisita sa 21 sementeryo sa lungsod.
Apat na gamit panlinis lamang ang kanilang nakumpiska mula sa mga taong papasok sa mga sementeryo.
Nanatili namang alerto ang kapulisan ngayong hapon hanggang mamayang gabi dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga taong bibisita sa mga sementeryo.
Napag-alaman na mahigit 1,000 pulis ang nakadeploy sa Cebu City para sa Undas 2026.
Maliban sa mga sementeryo, may mga nakadeploy rin sa mga pantalan, terminal at iba pang matataong lugar.
| Angelie Valiente, RP1 Cebu