Mahigit 800 informal settler families (ISFs) sa Antipolo City ang tumanggap ng kani-kanilang land titles sa ilalim ng Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng pamahalaan.
Pinangunahan ito ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa pamamagitan ng Enhanced Community Mortgage Program (ECMP), na layong magbigay ng seguridad sa paninirahan para sa mga benepisyaryo.
Ayon sa mga miyembro ng San Isidro Labrador Homeowners Association, ang pagtanggap ng mga titulo ay nagwakas sa mahabang panahon ng kawalan ng katiyakan sa kanilang paninirahan.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling, ang bawat titulo ay sumasagisag sa karapatan, seguridad, at mas matatag na kinabukasan ng mga pamilya.
Tiniyak ni Aliling na magpapatuloy ang pamamahagi ng mga lupaing pabahay ng pamahalaan upang mas marami pang Pilipino ang magkaroon ng disente at abot-kayang tahanan.