Photo courtesy of Sandiganbayan Pool
Posibleng magharap ang depensa ni dating Speaker Martin Romualdez ng hanggang 40 testigo sa kaniyang kaso sa Sandiganbayan.
Pero ayon kay defense lawyer Atty. Ade Fajardo, maaari pang mabago ang listahan dahil susuriin muna nila ang mga ebidensyang ilalatag ng prosecution.
Aniya, maaaring hindi na ipatawag ang ilan sa mga testigo kung hindi naman kinakailangang sagutin ng depensa ang ebidensya ng prosecution.
Kung sa kanilang pagsusuri ay mahina o hindi sapat ang ebidensya ng prosecution, sinabi ni Fajardo na maaaring hindi na kailanganin ang paghaharap ng mga naturang testigo.
Inaasahan ding kabilang mismo si dating Speaker Romualdez sa listahan ng mga testigo ng kanyang kampo.