Sakay ng PNP Coaster pasado alas-2 ng hapon ay dinala na sa Sandiganbayan sina dating Cong. Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Espiritu.
Ito ay matapos ang isinagawang booking procedures sa Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR).
Dadalhin sila sa Sandiganbayan para sa pagbabalik ng arrest warrant at commitment order.
Nabatid na si Defensor at Espiritu ay kapwa akusado ni Senator Rodante Marcoleta sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap ng ₱75 milyon na campaign donation, na hindi idineklara sa Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Sa ngayon ay mahigpit pa rin ang seguridad na ipinatutupad sa loob ng Camp Crame pero inalis na ang lock down at pinapapasok na ang mga sasakyan.