Senate of the Philippines
Iniulat ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na dinala sa PNP General Hospital sa Camp Crame si Sen. Rodante Marcoleta matapos magreklamo ng chest pain at tumaas ang kaniyang blood pressure.
Sa ambush interview kay CIDG Director Police Maj. Gen. Robert Alexander Morico II, nakadepende sa sasabihin ng mga doctor kung maaari nang dahiln si Marcoleta sa Sandiganbayan.
Ayon kay Morico, tumaas din ang blood pressure ng 72 taong gulang na senador.
Sinabi ni Morico na isusumite sa Sandiganbayan ang resulta ng medical examination.
Kapag idineklarang fit to travel si Marcoleta, agad siyang dadalhin sa Sandiganbayan para sa return of warrant.
Nilinaw din ni Morico na wala pang inilalabas na commitment order ang Sandiganbayan para kay Marcoleta dahil hinihintay pa ang resulta ng kaniyang medical examination.
Samantala, sinabi ni Morico na naiharap na sa Sandiganbayan sina dating Cong. Mike Defensor at negosyanteng si Joseph Espiritu matapos ang kanilang pag-aresto.