Nagpaabot ng tulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa isang manggagawa sa General Santos City na nakaligtas sa Magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Soccsksargen noong Hunyo 8.
Sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na pangalagaan ang kapakanan ng mga manggagawa, personal na binisita ni DOLE Secretary Francis Tolentino ang worker-survivor na si Bondoc.
Nagkaloob si Tolentino ng 15 libong pisong tulong-pinansyal mula sa donasyon ng mga kawani ng DOLE, kasama ang pagkain at iba pang relief goods para sa pamilya ng biktima.
Si Bondoc ang nag-iisang nakaligtas matapos siya at tatlo niyang katrabaho ay ma-trap sa kanilang workplace habang nagsasagawa ng stock inventory nang masira ang estruktura dahil sa malakas na lindol.
Nareskyu si Bondoc matapos ang humigit-kumulang 40 minuto, habang nasawi ang tatlo niyang kasamahan.
Kasama ni Tolentino sa pagbisita at pamamahagi ng tulong si DOLE Soccsksargen Regional Director Imelda Gatinao bilang bahagi ng opisyal na aktibidad ng ahensya sa Region 12.