Lumampas sa target na koleksyon para sa Hunyo ang Bureau of Customs sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno.
Nakakolekta ang BOC ng ₱86.073 billion noong Hunyo, mas mataas ng ₱2.853 billion sa target na ₱83.220 billion.
Dahil dito, umabot sa ₱491.748 billion ang kabuuang koleksyon ng BOC mula Enero hanggang Hunyo 2026, na lumampas ng ₱11.478 billion sa target para sa unang kalahati ng taon.
Mas mataas din ito ng 7.2% kumpara sa ₱458.771 billion na koleksyon sa kaparehong panahon noong 2025.
Ayon sa BOC, nag-ambag sa malakas na koleksyon ang 17 collection districts, mas pinalakas na Customs enforcement, trade facilitation, compliance measures, at modernisasyon ng mga sistema at proseso.
Nagdagdag din ng ₱2.283 billion sa revenue generation ang post-clearance audit group sa pamamagitan ng post-clearance audit operations.
Sa ilalim ng direktiba ni President Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang revenue collection para sa development agenda ng bansa, target ng BOC na maabot ang isang trilyong pisong koleksyon ngayong 2026.