Pinaiigting ng Coast Guard Station Malacañang ang kahandaan at pagtugon sa banta ng super typhoon Inday sa pamamagitan ng tinatawag na three P’s o pre-emptive, preventive, at proactive approach.
Nakaangkla ang hakbang na ito sa iCare program ng Philippine Coast Guard na naglalayong protektahan ang buhay, maiwasan ang Maritime incidents, mapangalagaan ang mahahalagang pasilidad, at mapalakas ang koordinadong emergency response.
Layunin ng CGS Malacañang na mas mapabilis ang paghahanda, pag-iwas sa posibleng sakuna, at agarang pagtugon bago, habang, at pagkatapos ng bagyo.