Photo courtesy of NAPOLCOM
Suportado ni NAPOLCOM Commissioner Ralph Calinisan ang pagpapalawig ng serbisyo ni Police Brigadier General Hansel Marantan, ang Regional Director ng Police Regional Office 4A.
Ayon kay Calinisan, ang extension ay ibinibigay sa mga police general na may natatanging serbisyo at hindi para sa PNP Chief lamang.
Aniya, ang kanyang ama na si dating PBGen Roberto Calinisan ang unang nabigyan ng isang taong extension noong 2000 dahil sa mahusay na paglilingkod.
Sinabi rin niya, na pinahihintulutan ng Republic Act 6975 ang hanggang isang taong extension sa serbisyo ng mga police general.
Dahil dito, naniniwala si Calinisan na karapat-dapat na mapalawig ang serbisyo ni Marantan dahil sa mga nagawa nito sa Philippine National Police.
Una nang hiniling ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa NAPOLCOM ang isang taong extension sa panunungkulan ni General Marantan, na kasalukuyang Regional Director ng PRO 4A sa CALABARZON.