Sinuri ng Department of Tourism o DOT Region 11 ang mga pangunahing tourist destination sa bayan ng Maragusan sa Davao de Oro bilang bahagi ng paghahanda sa inaasahang pagtatayo ng proposed Mati Airport.
Pinangunahan ni DOT 11 Regional Director Tanya Rabat-Tan ang pagbisita upang suriin ang mga tourism attractions at ang kasalukuyang kalagayan ng mga imprastraktura sa lugar.

Layunin nitong matiyak ang kahandaan ng Maragusan sa inaasahang pagdami ng mga turista sa oras na maisakatuparan ang airport project.
Inaasahan ding mapapadali ng mas maayos na air connectivity ang pagdating ng mga turista sa Maragusan, na magbubukas ng mas maraming oportunidad sa turismo at negosyo sa buong lalawigan ng Davao de Oro.
Ayon sa Davao de Oro PLGU, bahagi ito ng layunin na higit pang mapaunlad ang sektor ng turismo at mapalakas ang lokal na ekonomiya.
📷 Davao PLGU