Isang watch party ang inorganisa ng grupong Bantay Senado sa Quezon City para sa inaasahang pagbubukas ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ngayong Lunes, July 6.
Gaganapin ito sa Barangay Krus na Ligas Covered Court sa Diliman mula mamayang ala-1 hanggang alas-5 ng hapon.
Ayon sa grupo, layon ng Impeachment Tambayanan na sama-samang masubaybayan ng publiko ang unang araw ng paglilitis at isulong ang isang patas, transparent, at makatarungang impeachment process.
Bago ito, nagkasa rin ang Bantay Senado ng mga Barangayan sa iba’t ibang lungsod kung saan ipinaliwanag sa mga residente ang impeachment process, ang mga susunod na hakbang sa paglilitis sa Senado, at ang kahalagahan ng pakikilahok ng mamamayan sa mga usaping may kinalaman sa demokrasya.