Nakasalansan sa bike lane sa tapat ng Sandiganbayan ang mga steel fence, plastic barriers, concrete barriers, at isang forklift ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kadalasang ginagamit ang mga naturang harang tuwing may inaasahang pagtitipon o kilos protesta sa lugar.
Una nang naghigpit ng seguridad ang Quezon City Police District (QCPD) sa loob at paligid ng Sandiganbayan kasunod ng paghahain ng kaso ng Ombudsman laban kay Senador Rodante Marcoleta.
May nakatalaga ring Command post ang QCPD sa loob ng anti-graft court para bantayan ang sitwasyon at tiyakin ang kapayapaan at kaayusan.
Nahaharap sa kasong plunder at paglabag sa Presidential Decree No. 46 sina Sen. Marcoleta, dating kongresista Mike Defensor, at dalawang negosyante kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng humigit-kumulang ₱75 milyong campaign donations.
