Isa sa tututukan sa impeachment trial ngayong Lunes ang BIR box na sinasabing naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service, sinabi ni House Prosecution Panel Advisor Robert ‘Ace’ Barbers na mahalaga ang records na ito para makita ang financial records ng bise presidente sa gitna ng iniuugnay sa kaniya na unexplained wealth.
Umaasa si Barbers na magiging makatotohanan ang pagpresenta ng mga ebidensya sa gagawing impeachment trial.
Aniya, hindi kasi madali ang mag-akusa at dapat patunayan ang mga akusasyon.
Samantala, wala pang kumpirmasyon kung dadalo si VP Sara sa impeachment trial subalit may karapatan naman itong magpadala ng kaniyang abogado.