Mismong ang Punong Ministro ng Canada na si Prime Minister Mark Carney ay kinilala ang pag-angat ng Pilipinas bilang upper-middle-class country.
Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez kaugnay ng aniyay magandang balita hinggil sa pag elevate ng World Bank sa income status ng bansa.
Good news ito ayon kay Secretary Gomez gayung tiyak aniyang makikinabang ang lahat ng ating mga kababayan kasunod ng nabanggit na development.
Nangangahulugan aniya ito na mas dadami at magiging attractive ang Pilipinas sa marami pang foreign investments.
Bukod dito ay dadami rin sabi ni Gomez ang negosyong papasok sa bansa at dadami rin ang quality jobs.