Hindi na nakalabas ng Sandiganbayan si Senator Rodante Marcoleta matapos maging epektibo na ang warrant of arrest na inilabas ng Sandiganbayan 3rd Division kaugnay ng kasong plunder na kinahaharap niya at ng tatlo pang kapwa akusado.
Bandang 9:47 ng umaga nang dumating sa Office of the Clerk of Court ang mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at pormal na isinilbi ang warrant laban sa senador.
Matapos nito, ibinalik si Marcoleta sa 3rd Division courtroom para sa return of warrant proceedings bago dinala sa Camp Crame, bandang alas-11 ng umaga para sa booking process.
Sinamahan naman ang senador nina DILG Sen. Jonvic Remulla at PNP Chief PGen. Melencio Nartatez Jr.
Sa maikling panayam, sinabi ni Marcoleta na iginagalang niya ang naging pasya ng Sandiganbayan.
Ayon sa senador, inaasahan na niya ang lahat ng legal na proseso kabilang ang pag-isyu ng warrant of arrest.
Iginiit din ng senador na wala siyang balak magtago at haharapin niya ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.
Samantala, hanggang sa ngayon ay wala pang impormasyon kung susuko na rin sa Sandiganbayan ang tatlo pa niyang kapwa akusado sa kaso.