Handang-handa na ang Prosecution Panel sa nakatakdang pagbubukas ng impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, ngayong alas-2 ng hapon.
Ayon kay Rep. Zia Alonto Adiong, tagapagsalita ng prosecution panel, ito ay proseso na nakasaad sa constitution.
Samantala, suportado ng mga trial spokesperson ang pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat humarap si VP Sara Duterte sa paglilitis bilang akusado sa inihaing Articles of Impeachment.
Ayon kay Legal Spokesperson Atty. Jay Tolossa, sang-ayon sila sa pahayag ng Pangulo, gayunman nirerespeto nila ang impeachmennt rules at sa ibinigay na option sa bise kung siya ay dadalo o irereprisinta na lang ng kanyang mga abugado.
Pero giit ni Tolossa, ang pagdalo ng pangalawang pangulo ay pagrespeto sa Konstitusyon, impeachment court, at lalong-lalo na sa mga Pilipino.
Diin niya ang pahayag ng Pangulo ay sentimyento ng publiko dahil deserve nila ang sagot, paglilinaw, at pananagutan.